Buhay probinsiya

Tempo Desk
1 Min Read
KRIS Aquino (FB)

 

BY REGGEE BONOAN

 

*

KRIS Aquino (FB)
KRIS Aquino (FB)

 

KASALUKUYANG nasa Puerto Galera pa rin ang Queen of Social Media kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Sa mahigit na dalawang buwan nilang pananatili sa nasabing probinsya ay maraming natutu­nang bagong recipe si Kris katu­lad na lang ng inihaw na liempong pinakuluan sa Royal.

Aniya, “Ang sarap pala ng li­empo na pinakuluan sa Royal (soda) with garlic, paminta and sea salt tapos inihaw.”

Bukod dito, nadiskubre rin niyang mas masarap gawing banana cue ang hinog na saging na saba.

“Ang saba, masarap pag pap­untang over ripe na, tapos du’n gagawing banana Q, pero ako, konti lang ‘yung sugar,” kuwento ni Kris.

Hindi kumakain ng pandesal si Kris pero doon, nagustuhan niya ito partnered with peanut butter.

Sey niya, “Ang sarap ng pande­sal na binibili sa umaga, malam­bot at fluffy.”

At ang big reveal ay ang paliligo niya gamit ang pink tabo at Orocan drum.

Kuwento ni Kris, “super re­freshing maligo!”

Obvious na bago ang lahat ng experiences na ito kay Tetay at tila napakalayo sa buhay na na­kalakhan.

Share This Article
Leave a Comment