Tinanggihan?

Tempo Desk
2 Min Read

timing tmg tg

 

 

SI Lea Salonga uli ang head­liner sa “Bayanihan Musikahan” na mapapanood live sa Facebook tonight. Makakasama niya sina Erik Santos at Ice Seguerra.

Last April 3 ang unang perfor­mance ni Lea sa online benefit concert at nakalikom siya ng P1.7 million then.

Ang beneficiaries ng show ay mga displaced workers sa indus­triya na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

LEA Salonga
LEA Salonga

Para sa mga fans ng tandem ng singer-actress with Aga Muhlach, well, ani Lea, wag na daw um­asa.

Invited niya si Aga sa show pero tumanggi daw ito.

Ani pa ni Lea, “OA, ayaw mag­pakita.”

Marami sa mga fans ang nak­iusap kay Aga na mag-appear ka­hit paano, kahit wag na daw itong kumanta pero as of this writing NR o No Reaction ang aktor.

Well, abang-abang na lang tayo kung magbago ang isip ni Aga.

 

TULOY PA RIN

GABBI Garcia (FB)
GABBI Garcia (FB)

Sa mga concerned, tuloy pa rin ang music school (Tempo Primo Academy) na itinayo ng magka­patid na Gabbi at Alex Garcia sa gitna ng ECQ. Online na nga lang ang pagtuturo.

Nagbibigay ng lessons sa drums, violin, piano, voice and guitar ang school. Mostly, kids ang tinuturuan, pero puwede rin ang mga adults.

May music degree si Alex at head teacher siya sa isang school.

 

GUILTY

HEART Evangelista (IG)
HEART Evangelista (IG)

Sariling pera ni Heart Evangelista ang ipinapan­tulong niya sa mga apek­tado ng ECQ. Hindi siya nagpa-fund-raising.

Governor ng Sorsogon ang mister niyang si Chiz Escudero at iniiwasan ni Heart na magkaroon ng isyu about it.

Mga pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng frontliners ang ibinibig­ay ni Heart.

Pero hindi lahat ay naaabutan niya ng tulong, kaya nagi-guilty siya.

Ani Heart sa isang interbyu, sana raw ay nakapag-ipon pa siya ng maraming pera, para mas marami pa ang natulungan.

Share This Article