Halik sa kili-kili

Tempo Desk
2 Min Read
GABBI Garcia (FB)

timing tmg tg

 

 

KAKAIBA rin itong si Ruru Ma­drid, huh! Aba e, naninibasib pala ito ng kili-kili!

Sa isang live chat sa Facebook kamakailan, inamin ng binata na minsan niyang hinali­kan ang kili-kili ng kan­yang “Encantadia” co-star na si Gabbi Garcia.

GABBI Garcia and Ruru Madrid (FB)
GABBI Garcia and Ruru Madrid (FB)

Hindi na niya binang­git kung bakit niya gina­wa ito at kung paano niya napapayag si Gabbi pero kimumpirma na­man ito ng huli. Tawang-tawa pa nga ito.

Hmmm… alam kaya ito ni Bianca Umali, rumored girlfriend ni Ruru?

Si Khalil Ramos kaya na current boyfriend naman ni Gabbi, ano kaya masasabi tungkol rito?

Si Bianca kaya nagpapahalik rin ng kili-kili kay Ruru? Naha­likan na rin kaya ni Khalil ang kili-kili ni Gabbi?

 

NAGSELOS!

Umamin si Megan Young na minsan siyang nagselos kay Andrea Torres.

Ito ay noong makapareha ito ng asawang si Mikael Daez sa isang teleserye.

ANDREA Torres (FB)
ANDREA Torres (FB)

That time ay secret pa ang ka­nilang relasyon ni Mikael.

Kwento ni Megan sa podcast nila ni Mikael, nag-ugat ang pagseselos niya noon kay Andrea nang maikwento ni Mikael na ini­hatid niya sa kotse si Andrea.

Sabi ni Mikael, ginawa niya ito dahil gusto niyang maging kom­portable sila ni Andrea sa isa’t isa para sa show nila.

Sinabihan daw siya ni Megan na baka kung ano ang isipin ng ibang tao na na­kakita sa kanila. Baka rin daw isipin ni An­drea na may gusto sa kanya si Mikael.

Sinabihan raw niya si Mikael na kailan­gang malinaw kay Andrea kung ano’ng sitwasyon nila.

Wow! Lakas mag­paselos nitong si An­drea, huh!

Matatandaang nagselos din si Mar­ian Rivera kay An­drea noong nakatra­baho nito si Dingdong Dantes.

May tsika pang diumano’y sinugod nito si Andrea sa taping ng show. Mabuti na lang daw at hindi nagpangabot ang dalawa.

Share This Article