Live-in na?

Tempo Desk
2 Min Read
RHIAN Ramos (FB)

timing tmg tg

 

 

HINDI ang pamilya ang kasa­ma ni Rhian Ramos ngayon.

Nakatira ito sa boyfriend niyang businessman na si Amit Borsok sa Taguig City noon pa nang magsimula ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

RHIAN Ramos (FB)
RHIAN Ramos (FB)

Samantala, mag-isa lang ang mom niya sa bahay nila sa Alabang.

Ani Rhian, tinatawagan na­man daw niya madalas ang pamilya.

Naku, huh!

 

MINURA!

WILLIE Revillame
WILLIE Revillame

Nakatikim ng mura si Wil­lie Revillame mula sa isang babaeng tinawagan niya para sa “Tutok to Win” segment ng “Wowowin.”

Hindi nagpakilala si Wil­lie kaya ang akala ng babae’y niloloko lang siya ng caller. Sinabihan niya ng “g*g*” si Willie.

Sa halip na magalit, natawa pa si Willie. Dinagdagan pa niya ng P5K ang premyo nitong P10K.

Hiyang-hiya at panay ang sorry ng babae nang nagpaki­lala na si Willie.

 

TO THE RESCUE

ANGEL Locsin (IG)
ANGEL Locsin (IG)

Darna strikes again!

To the rescue agad si Angel Locsin kay Ms. Everything, a.k.a. Erick Maribojoc Camata na isang socmed sensation. Nasira ang bahay nito sa West­ern Samar, dahil sa bagyong Ambo.

Through Twitter, inalam ni Angel ang address nito at agad pinadalhan ng ayuda.

Nagpasalamat naman si Ms. Everything sa ipinadalang fi­nancial help ni Angel.

Mabuhay ka Darna!

Share This Article