Pakitang tao?

Tempo Desk
2 Min Read
BB Gandanghari (IG)

timing tmg tg

 

 

HINDI tanggap ni BB Gandan­ghari ang pahayag ni Robin Padilla na kesyo maraming pinagdaan­an ang kanilang pami­lya the past months, kaya hindi siya nakuku­musta ng mga ito.

Hindi rin tanggap ni BB ang sinabi ni Robin na mahal siya ng kanilang pamilya, pati na ang payo nito na tigilan na niya ang kakatampo.

Aniya sa isang IG Live chat, pakitang-tao lang ‘yun ni Robin – pabango sa publiko, pa-pogi.

Wow.

BB Gandanghari (IG)
BB Gandanghari (IG)

Tila malalim ang pinag-ugatan ng tampo ni BB sa kanyang pami­lya.

Si BB na rin mismo ang nag­kumpirma nito nang sabihing ne­glected child siya ng pamilya.

Sina Robin, Royette at Rommel daw ang mga pabritong anak ng kanilang Mama Eva Cariño.

Hindi rin nakaligtas kay BB ang misis ni Binoe na si Mariel Rodriguez na tinawag niyang “talking doll.”

Ang tanong ni BB: Bakit daw kailangang idaan pa ni Robin sa IG Live ni Mariel ang mensahe para sa kanya?

Ayon pa kay BB, two or three years na silang walang communi­cation ni Robin since umalis siya papuntang America.

Umalis siya dahil labag sa kanyang kalooban ang maging sunud-sunuran na lang sa kan­yang pamilya. Naku, huh!

 

KATRINA Halili (IG)
KATRINA Halili (IG)

MISS NA

Kapag natapos na ang En­hanced Community Quaran­tine (ECQ), unang gagawin ni Katrina Halili ay umuwi sa El Nido, Palawan.

Ito ay dahil sobrang miss na raw niya ang pamilya doon.

Habang naka-ECQ pa, ang pagbi-bake ng bread at pas­tries ang pinagkakaabalahan ni Katrina para hindi siya ma-bore.

Katulong niya ang anak kay Kris Lawrence na si Katie.

Miss na rin ni Katrina ang tap­ing ng “Prima Donnas” at excited na raw siyang makapagtrabaho muli.

Share This Article
1 Comment