Tuloy pa rin!

Tempo Desk
1 Min Read
SHAMCEY Supsup-Lee (FB)

 

BY RUEL MENDOZA

 

*

 

SHAMCEY Supsup-Lee (FB)
SHAMCEY Supsup-Lee (FB)

NAGLABAS na ng official state­ment ang Miss Universe Philip­pines National Director na si Shamcey Supsup-Lee tungkol sa pagpapatuloy ng pageant pagkatapos itong maurong ng dalawang beses from May 4 to June 14.

Ayon kay Shamcey, ang official coronation ng MUP ay sa October 2020 na.

Pero sisiguraduhin nila na ang lahat ng delegates ng 2020 Miss Universe Philippines ay handa at susunod sa tinatawag na “new normal.”

Wala rin daw live audience. Ang mga delegates ay mag­susuot ng face masks na ta­tanggalin lang nila kapag nasa stage na sila.

Wala rin stage groupings at agad na papauwiin ang delegates after nilang mag-present sa entablado.

In regards sa safety sa ka­lusugan ng kanilang delegates, nakipag-partner ang MUP with St. Luke’s Medical Center bilang health care provider nila.

 

Share This Article