Tinodo na!

Tempo Desk
1 Min Read
MARIAN Rivera and Dingdong Dantes (FB)

FRST first timer JUN NARDO

 

 

GINUPITANG muli ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes. Second time ni Yan na pumapel bilang hairdresser ng asawa.

This time, tinodo na ni Yan ang paggupit kay Dong na semikalbo na ang buhok ngayon.

MARIAN Rivera and Dingdong Dantes (FB)
MARIAN Rivera and Dingdong Dantes (FB)

“Diyan din naman ang punta niyan…E di sige na nga! 081800MAY20,” caption ni Dong sa Instagram.

Samantala, isang unforgettable Mother’s Day gift ang handog ni Dingdong hindi lang kay Marian kundi para sa lahat ng mga nanay.

Isang short movie ang ginawa ng aktor para sa pagiging ina ni Marian sa mga anak nila na sina Zia at Ziggy. Touching ang kada eksena ng mga ginagawa ni Yan bilang isang ina.

Si Dong ang naging director habang binibigkas ni Yan ang tula na gawa ni Yan Yuzon, musika ni Vincent de Jesus at edited ni Evan Arenas.

Siyempre pa, humakot ng papuri ang video, huh!

 

Share This Article
1 Comment