‘Happy heart’

Tempo Desk
2 Min Read
JULIA Barretto (IG)

timing tmg tg

 

 

ITO, ani Julia Barretto ang esta­do ng kanyang puso sa ngayon.

Isiniwalat niya ito sa isang panayam. Single man siya o hindi, ayaw niyang sabihin. Bahala na raw mag-isip ang madlang pipol tungkol dito.

JULIA Barretto (IG)
JULIA Barretto (IG)

Bilang paliwanag, sinabi ni Julia na this time, gusto niyang protektahan kung ano man ang estado ng kanyang love life.

Sa parehong panayam, binanggit ni Julia ang mga katangian ng lalaking nag­papasaya ng puso niya.

Aniya, someone intelli­gent, good conversational­ist, gentleman, maaasahan, naiintindihan siya at always there for her.

Sino kaya ang mystery guy na nagpapasaya ng puso ni Julia? Alam kaya ito ni Gerald Anderson?

 

MUNTIK NA

WILLIE Revillame
WILLIE Revillame

Muntik na palang ihinto ni Willie Revillame ang “Wowowin” dahil aniya, umabot sa pun­tong P14-million a month ang na­gagastos niya sa pagpoproduce nito pero wala namang bumabalik.

Ito daw ay noong unang taon ng “WWW” sa GMA7. Nag-umpisa ito sa once a week airing na al­though nagre-rate naman, wa­lang pumapasok na sponsors.

Kinausap niya ang GMA man­agement at sinabing hindi na niya kayang ipagpatuloy ang “WWW.” Mabuti na lamang at napagdesisyunan ng GMA na hati na lang sila sa gastos sa show.

Now, “WWW” is already cel­ebrating its 5th anniversary.

Kahit may Enhanced Com­munity Quarantine (ECQ), tuloy pa rin ang paghatid saya ng show sa milyon-milyon nating kababayan.

At may biyaya pa din. Sa “Tu­tok to Win” segment ng show ay namimigay si Willie ng tig-P10,000 to P50,000 sa mga mas­werteng viewers.

 

ININTRIGA

SHARON Cuneta (FB)
SHARON Cuneta (FB)

Inintriga ang online fundrais­ing concert ni Sharon Cuneta.

Mas kumita raw ang pare­hong concert ni Regine na na­kalikom ng more than P3-M, samantalang more than P2-million lang ang kay Sharon.

Ang hindi alam ng iba nag-donate si Sharon ng P1-million sa show ni Regine. So, kung susumahin, pantay lang ang kita ng mga ito.

Share This Article
Leave a Comment