Biglang tumahimik?

Tempo Desk
2 Min Read
ANGELIKA dela Cruz (FB)

 

BY REGGEE BONOAN

 

*

 

ANGELIKA dela Cruz (FB)
ANGELIKA dela Cruz (FB)

MUKHANG nakatunog ang bash­ers sa plano ni Angelika de la Cruz dahil nanahimik na sila ngayon.

Marami sa pinamumunuang barangay ng kapitana sa Malabon City ang pumutak kahit tumang­gap sila ng food pack mula rito. Minura pa nila to the max si Angelika.

Inamin sa amin ni Angelika nang maka-chat namin, “Idadaan ko ito sa legal lahat. Kumausap na ako ng abogado.”

Ang kuwento pa sa amin ni Kapitana Angelika, “Saken wa­lang masamang magreklamo normal ‘yun at sumasagot ako hindi lang sa nagpupunta sa barangay pati sa FB. Kasama sa duties and responsibilities ko ang magpaliwanag at mag informa­tion dissemination sa mga con­stituents ko para ma-kampante sila lalo ngayon nagpa-panic ang tao dahil sa situation ng lahat pero grabe naman ‘yung ganon (minura siya) di ba?”

Simula nang isinailalim sa Enhanced Community Quaran­tine ang Malabon ay hindi nag­pabaya sa kanyang constituents si Kapitana Angelica kasama ang kapatid na sina Kagawad Erick at Mika, pati na rin ang Daddy Ernie nila.

Lahat ng kaganapang nang­yayari sa pagre-repack ng food pack ay bini-video ni Angelika para may resibo siya sa lahat ng magtatanong sa kanya kung saan napunta ang mga supply.

Share This Article
1 Comment