Live-in na?

Tempo Desk
2 Min Read
TOM Rodriguez and Carla Abellana (FB)

timing tmg tg

 

ITO ang tanong ng mga neti­zens hinggil kina Tom Rodriguez at Carla Abel­lana, pati na rin kina Mark Herras at Nicole Donesa.

May nasulat kasi na kasama ni Carla si Tom sa bahay sa gitna ng pinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Dagdag pa rito ang pag-amin ni Tom sa isang interbyu na kesyo sleep-over partners sila ni Carla.

TOM Rodriguez and Carla Abellana (FB)
TOM Rodriguez and Carla Abellana (FB)

Di ba parang ganun na rin yun?

Sabagay, nagpaplano na silang magpakasal. Hindi lang alam kung kelan. Maybe this year or next year?

Mas nakakasiguro kami kina Mark at Nicole in terms of them living together.

May socmed post kasi si Mark na okey lang sa kanya ang lock­down basta kasama niya si Ni­cole.

May post pa si Mark na nagdi-date sila ni Nicole sa loob ng bahay sa ngayon. Yun na!

 

TUMULONG

GOLDEN Canedo (IG)
GOLDEN Canedo (IG)

Sa halip na bonggang debut party, namahagi na lang ng tu­long si Golden Canedo, grand

champion ng “The Clash Season 1” sa mga kabarangay niya na apektado ng ECQ.

Ginamit niya ang perang naipon para sa debut. Inilaan niya ito sa relief goods na ipinamahagi niya.

Kung sabagay, hindi rin naman puwede ang malakihang party o events ngayong may ECQ.

Ani Golden, noon daw ay nara­nasan niyang pumila kapag may nagbibigay ng relief goods. Gusto naman niya ngayon na siya ang mag-share ng blessings.

 

TAHIMIK LANG

ALESSANDRA de Rossi (FB)
ALESSANDRA de Rossi (FB)

Although, hindi in­aamin ni Alessandra de Rossi na officially to­gether sila ni Direk Rico Gutierrez, may tsikang diumano, gusto na si­yang pakasalan ng TV director.

Si Rico na nga kaya ang “The One” ni Ales­sandra?

Nakarelasyon niya dati sina Mark Abaya at Sid Lucero, pero never umamin si Alessandra ukol dito.

Kinukulit na nga siya ng kan­yang mommy na mag-asawa na para magkaapo na ito sa kanya.

Share This Article
4 Comments