Sa wakas!

Tempo Desk
2 Min Read
ASSUNTA de Rossi (FB)

FRST first timer JUN NARDO

 

TATLONG buwan nang buntis ang aktres na si Assunta de Rossi, sister ni Alessandra de Rossi.

Ang magandang balita ay inanunsyo ni Assunta mismo sa kanyang Instagram nitong nakaraang mga araw.

Milagro para sa kanya ang mabuntis.

Lingid sa kaalaman ng lahat, may mga iniinda si Assunta, dahilan nga upang mahirapan itong magbuntis.

Paliwanag ng maganda at sexy pa ring si Assunta, “Get­ting pregnant the natural way with myoma and endometrio­sis (which I both have) is ex­tremely difficult.

“Only medical intervention or a miracle can make it hap­pen. This was a miracle.”

ASSUNTA de Rossi
ASSUNTA de Rossi

Dagdag ng aktres, marami siyang nararamdamang kakai­ba bago niya nakumpirma ang pagbubuntis.

Ayon pa sa aktres, nitong nakaraang dalawang buwan lang ay nakaramdam siya ng, “fatigue, nausea, tender swol­len breasts, food aversions, constipation, dizziness, heart burns.”

Marami ang natuwa sa balita ni Assunta, huh!

Kabilang na nga dito ang ilang kaibigan sa showbiz, katulad nina Pauleen Luna-Sotto, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Kris Bernal.

Matagal-tagal din ang paghihintay ni Assunta sa blessing na ito.

Taong 2004 nang ikasal si Assunta kay Negros Oc­cidental congressman na si Jules Ledesma.

Akala nga nang marami ay hindi na ito mabubuntis lalo na at hindi naman ito bum­abata. Pero ‘yun nga at nakaisa din, sa wakas.

Share This Article
Leave a Comment