May tinalakan

Tempo Desk
2 Min Read

timing tmg tg

 

 

 

SOON to be parents na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Sa isang post sa social media, pinaalam ng mag-asawa sa ka­nilang mga fans na five months pregnant na si Coleen sa kanilang first child.

BILLY Crawford and Coleen Garcia (IG)
BILLY Crawford and Coleen Garcia (IG)

Ani Billy, nakaka-relate na siya kina Gary Valenciano, Martin Nievera at Ogie Alcasid na mga kasama niya sa “ASAP Natin ‘To.”

Binati siya ng mga ito and the rest ng mga kasama niya sa na­turang programa via zoom.

Nag-comment naman sa soc­med ang friend ni Billy na si Mat­teo Guidicelli ng “Wooooow!”

Reaction ng AshMat fans, sana raw ay magka-baby na rin sina Matteo at Sarah Geronimo.

Excited din kaya ang Mommy Divine ni Sarah na magka-apo na?

 

JACLYN Jose
JACLYN Jose

TINALAKAN

Sino kaya ang aktor na tinala­kan ni Jaclyn Jose sa set ng isang pelikulang pinagsamahan nila?

Sa “Actor’s Cue” sa FB page ng Extend the Love ay naikuwento ni Jaclyn sa mga katsikahan niyang aktres na sina Lorna Tolentino, Gina Alajar, Sandy Andolong at Elizabeth Oropesa ang pangya­yari.

Ani Jaclyn, dumating ang ak­tor sa set na lasing. Noong nasa kalagitnaan na sila ng eksenang kinukunan ay nagsuka ito. Nahi­nto ang shooting. Pinainom ng kape at pinunasan ang aktor para mahimasmasan.

Doon na ito tinalakan ni Jaclyn na aniya, kaya walang nangyayari sa industriya ay dahil sa mga ak­tor na gaya nito.

 

 

Share This Article
Leave a Comment