Tumaas lalo ang respeto

Tempo Desk
1 Min Read
CARLA Abellana (FB)

 

BY RUEL MENDOZA

 

*

 

CARLA Abellana (FB)
CARLA Abellana (FB)

DAHIL sa Enhanced Commu­nity Quarantine (ECQ), walang kasambahay ngayon si Carla Abellana. Umuwi ang mga ito sa kani-kanilang probinsya to spend time with their family habang may ECQ.

In short, balik gawaing bahay si Carla sa ngayon.

Pinakita ni Carla sa kanyang YouTube channel ang ginagawa niyang paglilinis, pagluluto, pagpaligo sa kanyang mga aso at paglaba ng kanyang mga damit.

Ginagawa naman niya ito dati. Pero ngayon na lang daw niya ulit nagawa ito for a very long time. Wala naman siyang problema dito. Wala naman daw siyang trabaho.

Tumaas nga daw lalo ang respeto ni Carla sa maraming housewives at mga kasam­bahay dahil hindi madali ang ginagawa nilang pag-asikaso sa bahay.

“Sa mga misis, stay-at-home moms, kasambahay, assistants, hardinero, at driver, saludo po ako sa inyong lahat. Hindi ko po kakayanin ang mga trabaho ninyo,” sey ni Carla.

Nagpapasalamat na lang si Carla at kasama niya ngayon sa bahay ang boyfriend na si Tom Rodriguez dahil kahit paano ay may katuwang siya.

 

Share This Article
1 Comment