Kaabang-abang!

Tempo Desk
2 Min Read
SHARON Cuneta and KC Concepcion (IG)

 

timing tmg tg

 

KUMPIRMADO at wala na nang atrasan ang online fund-raising concert ni Sha­ron Cuneta on May 10. Titled “Sharon, Love and Music,” mapapanood ito live sa Facebook at You­Tube.

Inaabangan kung mag-a-appear as guest si KC Concepcion sa show.

Nagkaayos na ang mag-ina matapos ang ilang buwang tampu­han.

SHARON Cuneta and KC Concepcion (IG)
SHARON Cuneta and KC Concepcion (IG)

Sana nga bumawi si KC sa ina. No show sa birthday fete nito noon sa TV.

Inaabangan din kung lala­bas sa show ang mga anak ng Megastar kay Senator Kiko Pangilinan na sina Frankie, Miel at Miguel.

May iba naman gusto pati si Sen. Kiko magpaunlak din ng maigsing appearance.

Inaasahang maraming ce­lebrity friends ni Sharon ang susuporta sa fund-raising con­cert gaya ni Regine Velasquez na nakalikom ng P4.2 million sa  kaparehong effort nito lang.

Take note, nag-donate ng P1-million sa fund-raising concert ni Regine. Si Regine kaya?

 

BOTO

JANINE Gutierrez and Pilita Corales (FB)
JANINE Gutierrez and Pilita Corales (FB)

Ayos naman pala ang maglolang Pilita Corrales at Janine Gutierrez.

Matatandaang napagalitan ni Mamita (tawag ni Janine sa kanyang Lola Pilita) si Janine sa comment nitong, “Oh no” bilang pag­tutol sa pagbabalik- TV ni Senator Bong Revilla sa GMA7.

Nagalit pa nga si Lotlot de Leon (Ja­nine’s mom) dahil dito.

Kung anu-ano’ng posts sa socmed bi­lang patutsada kay Pilita ang inilahad niya. No comment lang ang huli.

Sa YouTube ac­count ni Janine ay nagkausap sila ni Mamita. Tinanong niya ito kung like ba nito si Rayver Cruz?

Sagot naman ng kanyang Ma­mita, “Yes, I do. I like Rayver very much. Very respectful, nice, very talented, wonderful dancer. You make a nice pair together.”

Ikaw na talaga Rayver!

Share This Article
1 Comment