May plano na

Tempo Desk
2 Min Read
DANIEL Padilla and Kathryn Bernardo (FB)

timing tmg tg

 

 

EIGHTH year na as sweethearts sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo on May 25.

Siyempre pa masaya dito si Daniel. Thankful daw siya na si Kathryn ang kanyang girlfriend dahil she makes him a bet­ter person.

Ayon naman kay Kath­ryn, sobrang suwerte siya na si Daniel ang boyfriend niya.

DANIEL Padilla and Kathryn Bernardo (FB)
DANIEL Padilla and Kathryn Bernardo (FB)

Nainterbyu ang da­lawa sa “Magandang Buhay” via zoom at doon binanggit nila ang pangarap na beach wedding. Parehas daw kasi silang beach lovers.

Ang gusto nilang makasama sa ka­nilang wedding day ay ang mga taong naging ba­hagi ng kanilang relasyon.

Inamin nila na hindi naman sila kaiba sa ibang tao na nag­mamahalan. Anila, nag-aaway din sila paminsan-minsan.

Pero less na daw ngayon. Mas madalas daw noong bago pa lang ang kanilang relasyon. Seloso kasi si Daniel na aniya, naoospi­tal pa ito dahil sa sobrang selos. Nagkakaroon siya ng anxiety at­tack. Nawawala siya sa wisyo ka­pag magkaaway sila ni Kathryn. Torture daw yun kay Daniel.

Ayon naman kay Kathryn, mabigat sa dibdib kapag mag­kaaway sila ni Daniel.

Through the years, natuto na silang mag-compromise sa isa’t isa. Suportahan sila sa kanilang relasyon at trabaho.

 

‘AMAZING’

MATTEO Guidicelli and Sarah Geronimo (FB)
MATTEO Guidicelli and Sarah Geronimo (FB)

Ito ang description ni Matteo Guidicelli sa married life nila ni Sarah Geronimo.

Magti-three months na silang kasal at ayon sa interbyu kay Matteo sa isang socmed site, nasa honeymoon stage pa rin sila ni Sarah.

Blessing in disguise nga daw ang Enhanced Community Quar­antine dahil extended honey­moon sila.

Amazing daw matulog at gu­mising na katabi ang taong pinakamamahal mo.

Share This Article