Magpapakasal na?

Tempo Desk
2 Min Read
DANIEL Padilla and Kathryn Bernardo (FB)

timing tmg tg

 

 

DAHIL sa Enhanced Commu­nity Quarantine (ECQ), simple lang ang magiging celebration for Daniel Padilla’s 25th birthday today. Sa bahay lang siya kasama ang kanyang pamilya, mga pinsan at pamangkin.

Babawi na lang daw siya next time, ani Daniel sa interbyu sa kanya ng “Magandang Buhay” via Zoom kamakailan.

DANIEL Padilla and Kathryn Bernardo (FB)
DANIEL Padilla and Kathryn Bernardo (FB)

Doon niya rin inihayag na at 25 years old, may long-term plan na siya for the future. Kasama rito ang pagpapakasal nila ni Kathryn Bernardo. Ani Daniel, nililigawan pa lang niya si Kathryn ay may wedding plans na siya. More than four years na sila together.

“She makes me a better per­son,” diin ng binata.

Nagtutulungan daw sila ni Kathryn sa maraming bagay. Very organized person daw si Kathryn. Planado lahat ng mga gagawin.

“Ako naman, I live by the day,” ani Daniel.

Ang sikreto ng matatag nilang relasyon? “We respect each other. Give and take,” sey ni Daniel.

 

NAGTATAMPO

BB Gandanghari (IG)
BB Gandanghari (IG)

Hindi pa rin pala lubos na tang­gap ng pamilya ni BB Gandang­hari (dating Rustom Padilla) ang bago niyang kasarian.

Mag-isang naninirahan si BBG sa Los Angeles, California, USA. Nagtatampo siya sa kan­yang pamilya dahil hindi man lamang daw siya naaalalang kumustahin kahit tawag lang sa telepono sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Feeling niya, parang wala siyang kuwentang tao sa saril­ing pamilya.

 

KAYA PALA

ANGEL Locsin and Neil Arce (FB)
ANGEL Locsin and Neil Arce (FB)

Sa isang condo unit na pala sa Bonifacio Global City na­katira si Angel Locsin. Same building sila ng fiancé niyang si Neil Arce na may condo-unit din doon. Kaya pala kahit may ECQ ay nagkikita at nagkakasa­ma pa rin sila.

Share This Article
1 Comment