Mga peke!

Tempo Desk
2 Min Read
MARIAN Rivera, Jessica Soho, and Maine Mendoza (FB)

FRST first timer JUN NARDO

 

 

NON-STOP ang paglipana ng fake news, online scammers at fake accounts sa social media ngayong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang il­ang bahagi ng bansa.

Una na rito ang diumano’ y audio clip ng boses ni Jes­sica Soho na nagbibigay-babala sa mga tao tungkol sa mga susunod na mangya­yari kaugnay ng umiiral na ECQ dahil sa COVID-19.

JESSICA Soho (FB)
JESSICA Soho (FB)

Agad pinabulaanan ng GMA News and Public Affairs ang kumalat na audio clip.

Sa official page ng GMA News and Public Affairs, walang anu­mang pahayag na binitawan si Jessica.

Pinaiimbestigahan na ito sa NBI ng kinauukulan as of this writing.

Di kalaunan naman ay lu­mutang ang magkahiwalay na pekeng account nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Sa screen shot ng fake ac­count ni Yan, ginamit pa mismo ang litrato ng aktres, huh!

MARIAN Rivera (FB)
MARIAN Rivera (FB)

Nakalagay sa post na mag­bibigay siya ng limang libong

piso sa masuwerteng magla-like, subscribe at share ng posts niya.

The nerve!

Sa poser naman ni Maine, ginamit pa nito ang pangalan ng “Eat Bulaga!” at GMA Films President Atty. Annette Gozon, huh!

Ang modus naman niya para nmakalikom ng followers e, ang maghikayat na mag-view ng Kapuso shows kapalit ang ibibigay na limang libo hang­gang sam­pung libo­ng piso.

maine-mendoza

Wow, huh!

Agad na itinanggi ni Rams David, president ng Triple A, man­agement team nina Marian at Maine ang mga pekeng account.

Aniya, hindi ito tunay na mga accounts at pawang mame­meke lang!

“Mandarambong” daw ang mga ito, giit pa ni Rams sa poser ni Meng.

Share This Article
1 Comment