Sanib-pwersa

Tempo Desk
3 Min Read
ANGEL Locsin and Bea Alonzo

timing tmg tg

 

 

NAG-COLLABORATE sina Angel Locsin at Bea Alonzo sa pagtulong sa mga apektado ng Enhanced Community Quarantine.

Sa pamamagitan ng #UniTentWeStandPH ni Angel and fiancé Neil Arce, namahagi sila ng isolation tents sa Bataan General Hospital and Medical Center.

Namahagi na­man ng 1,000 sur­gical masks, 1,000 face shields at PPE’s (Personal Protection Equipments) si Bea sa pamamagitan ng kanyang I Am Hope Foundation.

Darna in the time of COVID ang tawag ni Bea kay Angel. Tinukso naman siya ng huli dahil sa pali­tan nina Bea at John Lloyd Cruz ng kilig messages sa socmed.

BEA Alonzo (IG)
BEA Alonzo (IG)
ANGEL Locsin (FB)
ANGEL Locsin (FB)

“One More Chance, may Sec­ond Chance pa,” panunukso ni Angel kay Bea.

Parehong titulo ng pelikulang pinagsamahan nina Bea at John Lloyd ang “One More Chance” at “A Second Chance.”

Nagsimula ang tuksuhan nang ni-like ni JLC ang old photos ni Bea na pinost nito sa kanyang IG account.

Tinanong siya ni Bea kung bakit ito nagba-browse sa kanyang IG, eh 2019 pa raw ‘yun.

“Napindot lang,” sagot ni JLC.

“May na-miss?” tanong ni Bea na sinagot ni JLC ng, “Bawal ba?”

“Hindi naman,” reply ni Bea.

Kilig much ang fans nina Bea at JLC na wish nilang maging “sila” na lang, since pareho naman silang single ngayon.

May chance kaya?

*

FATHER’S WISH

JAMES Yap (FB)
JAMES Yap (FB)

Ano kaya’ng reaction ni Kris Aquino sa pagbati ni James Yap sa anak nil­ang si Bimby who turned 13 years old on April 19?

“Happy 13th birthday Bimb! May God continue to bless you with many more years of health and life. I love you son” ang post ni James sa socmed with matching old photos nila ni Bimby.

Three years ago pa huling nagkita ang mag-ama. Wish ni James na magkita rin sila balang-araw.

Sa Puerto Galera nag-cel­ebrate si Bimby ng kanyang birthday dahil naka-lock down silang mag-iina doon kaugnay ng umiiral na enhanced community quarantine.

Share This Article
1 Comment