Gaya-gaya

Tempo Desk
2 Min Read
ANGEL Locsin (IG)

FRST first timer JUN NARDO

 

 

PUMAPEL na hairdresser si Angel Locsin sa fiancée nitong si Neil Arce matapos ang kanyang charity works.

Hawak ang razor, ipinakita ni Angel sa isang online video ang paggupit sa buhok ni Neil.

Take note, live na ipinamalas ni Angel at Neil ang gupitan time nila, huh!

Cute naman dahil parang bond­ing time na rin nila ito after nil­ang tumulong sa mga frontliners na patuloy ang laban sa COVID-19 sa gitna ng pinaiiral na enhanced community quarantine.

ANGEL Locsin (IG)
ANGEL Locsin (IG)

Pero gusto namin banggitin na si Marian Rivera ang unang ce­lebrity na umastang hairdresser habang may quarantine.

Sinampolan niya ng asset sa paggupit ang asawang si Ding­dong Dantes.

Sumunod naman dito si Iya Vil­lania na ginupitan ang asawang si Drew Arellano.

Gumaya din si Solenn Heus­saff na ginupitan naman ang asawang si Nico Bolzico.

Obviously, problema ngayon ng mga celebrities ang kanilang humabang buhok dahil sa en­hanced community quarantine.

We’re pretty sure ang iba diyan problema na din pati na manicure at pedicure, huh!

 

PANALO!

GARY Valenciano
GARY Valenciano

Mahigit dalawang milyong piso ang nalikom na pondo sa unang gabi (April 18) ng online benefit concert ni Gary Valenciano na “Hopeful.”

Pinalabas ito sa Face Book at tumagal nang mahigit isang oras ang online concert na nasundan pa last April 19.

Matatandaang kinansela ang naka-schedule na two-night con­cert ni Gary sa Araneta Coliseum this year dahil sa corona virus.

Share This Article
1 Comment