Awit at saya

Tempo Desk
1 Min Read
KYLIE Alcantara and Bianca Umali (Twitter)

 

BY RUEL MENDOZA

*

KYLIE Alcantara and Bianca Umali (Twitter)
KYLIE Alcantara and Bianca Umali (Twitter)

TULOY ang paghatid aliw nina Kyline Alcantara at Bianca Umali sa kanilang fans sa kabila ng pinaiiral na enhanced com­munity quarantine.

Kamakailan ay nilabas ni Kyline ang official music video ng kanyang single na pinamaga­tang “123” na sadya namang pinakahi­hintay ng so-called “Sunflow­er,” bansag sa kanyang mga fans.

Patuloy nga ang paglawak ng career ni Kyline na obvious naman na hindi lang magaling umarte kundi magaling ding kumanta at sumayaw.

Naka-season break muna ang pinagbibidahan ni Kyline na teleseryeng “Bilangin ang Bituin sa Langit.”

Pero dahil nga mahal nito ang kanyang mga fans, hindi pa rin siya tumitigil sa pag­bigay aliw sa mga ito.

Kasalukuyang naka-quar­antine sa probinsya nila sa Bicol ang dalaga.

Sa­mantala, nilabas na rin ng GMA Mu­sic ang single ni Bianca na “Kahit Kailan.”

Ang pagkanta naman ang hinaharap ni Bi­anca dahil natigil din pansa­mantala ang filming ng HBO Asia series na “Halfworlds.”

Mapapanood din soon si Bianca sa teleserye na “Le­gal Wives” kasama si Dennis Trillo.

Share This Article
Leave a Comment