Scam!

Tempo Desk
2 Min Read
BEN&Ben (FB)

FRST first timer JUN NARDO

 

MARAMI ang naniwala sa kumalat na balita sa social media nitong nakaraang Mahal na Araw.

Ito ay ang abiso na makaka­panood daw ng movies sa Netf­lix na libre sa loob ng dalawang buwan.

Ito ay para na rin daw may mapaglibangan ang mga tao habang naka-quarantine.

Ang siste, scam ‘yung text, huh!

Pati kami muntik mani­wala!

Mabuti na lang at natang­gap namin ang message ng National Telecommunications Commission.

Anito, “BABALA: Huwag pong maniwala sa text na magkaka­loob ng libreng Netfix sa loob ng 2 buwan dahil sa Quaran­tine (COVID-19), ito po ay isang SCAM.”

Siyempre pa, maraming nab­wisit. Mabentang-mabenta ang subscription sa Netflix dahil ang panood ng mga pala­bas dito ang isa sa pinagkaka­balahan ng mga tao ngayon, huh!

 

BEN&Ben (FB)
BEN&Ben (FB)

MAY BAGO

Nakagawa ng bagong kanta ang banda na Ben&Ben.

Ito ay inspired daw ng on­going enhanced community quarantine.

Ayon sa social media post ng banda, “We wrote ANOTHER song for you. It is the band’s most favorite so far!

“Quite sad but hopeful. Mga feelings natin this quarantine. It will be our first international single.”

Nakilala ang Ben&Ben dahil sa hit songs nilang “Araw- Araw,” “Kathang Isip” at “Ride Home.”

Share This Article
176 Comments