Nanguna

Tempo Desk
2 Min Read
ALDEN Richards (FB)

 

timing tmg tg

 

UMANI ng bagong parangal kamakailan si Alden Rich­ards.

Pang-anim siya sa listahan ng mga pinangalanan bilang Ultimate Asia Heartthrob 2020 ng Starmometer.

Every year ay nangangalap ng boto mula sa fans across Asia ang Starmometer for the title at 137,680 votes mula sa Facebook, Twitter, Instagram ang nakuha ni Alden.

ALDEN Richards
ALDEN Richards

Siya ang kauna-unahang Filipino actor na nakapasok sa Top 10 ng listahan.

Sumunod sa kanya ang international performers na sina V, Jungkook Jin, Jimin ng BTS at Thai actor Sarah Sirilak.

By the way, lumantad na ang girl na nali-link kay Al­den.

Siya si Bianca Yao na kapwa gamer niya.

Sa kanyang video, ni l i­naw ng dalaga na walang namamagitan sa kanila ni Alden.

Napag-uusapan daw nila minsan ang kapwa pagiging gamers nila but that’s it.

Ani Bianca, sobrang bait daw ni Alden sa kanya pero huwag daw sana ito bigyang malisya ng iba.

 

TULUY-TULOY

HEART Evangelista (IG)
HEART Evangelista (IG)

Walang puknat ang pagtulong ni Heart Evangelista sa mga apektado ng pinapairal na Enhanced Community Quarantine.

Matapos ang mga frontlin­ers, ang mga na-stranded namang kababayan nila ng husband niyang si Governor Chiz Escudero sa Sorsogon ang tinulungan niya.

Namigay siya ng bed foams at mga unan sa mga hindi makabalik sa kanilang mga tahanan dahil hinaharang sa checkpoints.

Umaga’t hapon ay tsine-check ni Heart ang mga message sa socmed niya para alamin ang mga pangan­gailan­g a n ng mga ito.

 

ADIK

SANYA Lopez (FB)
SANYA Lopez (FB)

Adik na rin si San­ya Lopez sa mga K-drama. Ang panonood ng mga ito ang pinagkakaabala­han niya habang may enhanced community quarantine. Nag­ti-Tik Tok videos rin siya.

Out of boredom, nagpa-bangs si Sanya para new look. Napa­panood siya sa “Encanta­dia” weeknights sa GMA.

Share This Article
1 Comment