Good vibes

Tempo Desk
2 Min Read
MEGAN Young (IG)

timing tmg tg

 

 

FRONTLINERS sa mga provincial hospitals ang tinutulungan ni Megan Young.

May fund-raising drive ang former Miss World 2013 at una na niyang natulungan ang mga hospital sa Olongapo at Bataan.

MEGAN Young (FB)
MEGAN Young (FB)

Next raw sa agenda niya ang frontliners sa Limay, Bataan RHU, Mariveles Mental Health Center, Lourdes Barretto San Marcelino Medical Center at iba pang provincial hospitals.

Nakaka-good vibes din ang vlog ni Megan at asawang si Mikael Daez sa gitna ng pina­pairal na Enhanced Commu­nity Quarantine. Ipinakita nila kung paano nila i-groom ang pet puppy nilang si Soba.

 

LIBRENG SAKAY

VICKY Morales (FB)
VICKY Morales (FB)

May libreng sakay para sa medical frontliners ng Philippine General Hospital ang progra­mang “Ilaban Natin ‘Yan,” hosted by Vicky Morales.

Tatlong magkakasunod na Lunes na hatid-sundo ang front­liners gamit ang modern jeep na “Palaban Express.”

Ito ‘yung umiikot sa iba’t ibang barangay na nagsisilbing sum­bungan ng mga nagrereklamo kay Vicky.

Ang unang service na nagha­hatid-sundo ay mula sa Star Mall, Alabang at ang ikalawa ay mula sa SM Fairview.

 

AUDITION

Kahit may Enhanced Commu­nity Quarantine, tuloy pa rin ang on-line audition ng “Cen­terstage” para sa mga batang edad 7 hanggang 12.

Ipadala ang short video na may introduction, kasama ang pangalan, age, place of resi­dence. Samahan ng audition song acapella (walang music instrument o tugtog) na hindi lalampas sa 2 minutes.

Ipadala ito sa https://www. facebook.com/GMACenter­stage.

 

WALA PA

RICHARD Gomez
RICHARD Gomez

Good news naman mula kay Richard Gomez! Ayon sa Ormoc City mayor, wala pang positive sa COVID-19 sa bayan nila.

Pero pinapairal na niya ang Enhanced Community Quar­antine doon just to be sure.

Handa na rin ang actor-pol­itician sa mga gagawing ayuda. Tig-isang sakong bigas sa bawat tahanan. May isolation area rin sila for the sick. Ayos!

Share This Article