Hatid ay saya

Tempo Desk
2 Min Read
WILLIE Revillame (FB)

timing tmg tg

 

TULOY pa rin ang pagbibigay ng kasiyahan ni Willie Revillame sa mga masugid niyang followers.

Namamahagi pa rin siya ng pera sa madla kahit nakabakasyon sa Puerto Galera dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Puro replays ng episodes ng “Wowowin” ang ipinapalabas sa GMA7, pero live na nagsu-show si Willie sa Facebook.

WILLIE Revillame
WILLIE Revillame

Nagpa-set-up siya ng mini-studio sa rest­house niya sa Puerto Galera at mga im­provised na mu­sic intruments ang ginagamit niya tulad ng sandok, pa­langgana, pa­malo ng mga insekto, etcetera.

Bukod sa kinakantahan ni Willie ang FB followers niya, may palaro pa siya, ang “Tutok to Win.” P10,000 ang premyo sa bawat winner.

Ani Willie, sa gano’ng paraan man lamang ay makapaghatid pa rin siya ng kasiyahan at makatulong sa ating mga kaba­bayan.

 

NAMAHAGI

KRIS Aquino with sons Bimby and Josh (FB)
KRIS Aquino with sons Bimby and Josh (FB)

Nasa Puerto Galera din sina Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby.

Sa isang villa doon pansa­mantalang nanunuluyan ang mag-i-ina.

Bagama’t imbitado siya doon ni Willie, nag-social distancing sila.

Kasama ni Willie ang kanyang staff sa kanyang resthouse.

Namahagi sila ng relief goods sa mga tao doon. Nag-donate ng sako-sakong bigas si Kris.

Isang bagay ang na-realize ni Kris sa pinapairal na quarantine. Hindi raw pala kailangan ang maraming damit at sapatos.

Natuto rin siyang magsuot ng hindi branded na damit.

 

MUKHANG ERMITANYO

GABBY Concepcion (IG)
GABBY Concepcion (IG)

Sa resthouse niya sa Lobo, Batangas naman nagbakasyon si Gabby Concepcion.

Simula ng enhanced com­munity quarantine ay hindi na nag-ahit ng balbas at bigote ang aktor.

Joke nga ng daughters niyang sina KC at Garie Concepcion, mukha nang ermitanyo ang kanilang papa Gabby.

Share This Article
1 Comment