Napikon!

Tempo Desk
2 Min Read
LUIS Manzano (FB)

timing tmg tg

 

NAPIKON si Luis Manzano sa isang basher na tinawag siyang bayot. Cebuano word ito mean­ing bakla.

Sinagot ni Luis ng pa-cool na, “Kung makabayot ka naman, as if masama maging bayot, itsura mo nga ‘yung nagnanakaw ng bag sa fastfood.”

LUIS Manzano (FB)
LUIS Manzano (FB)

Obvious ang pagkapikon ni Luis sa basher dahil sinabihan pa niya di kalaunan na tanga ito.

Maraming beses nang pumatol si Luis sa bashers, kaya patola ang tawag sa kanya ng netizens.

 

TUMULONG

JODI Sta. Maria (FB)
JODI Sta. Maria (FB)

Tulong din si Jodi Sta.Maria sa pagsagot ng pam­piyansa ng mga nahuling rallyista na taga-Purok San Roque, Bgy. Bagong Pag-asa, QC.

Nauna nang nangako si Frankie Pangilinan na sagot niya ang piyansa ng isang rallyista. The rest ay sagot na­man daw ng kan­yang parents na sina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.

Maraming nag-pledge ng suporta sa 21 nahuling rallyista na nakapiit sa isang kampo sa QC.

 

PATULOY

Libu-libong kahon ng surgi­cal masks, gloves, alcohol at iba pang essentials ang naipamahagi na ng RelievePH nina Juancho Trivino, Thea Tolentino, Mikoy Morales and friends para sa frontliners ng Enhanced Com­munity Quarantine.

Patuloy pa rin ang pangan­galap nila ng pondo.

Share This Article
521 Comments