Nagpakain

Tempo Desk
2 Min Read
KC Concepcion (IG)

timing tmg tg

 

 

 

MARAMI ang natuwa kay KC Concepcion. Consistent ito sa pagtulong sa mga apektado ng enhanced community quaran­tine.

Ito nga at matapos mamahagi ng food packs sa mga health­workers sa Veterans Memorial Medical Cen­ter at Perpetual Help Medical Center sa Las Piñas, nag-donate na­man si KC ng 500 kilos na bigas for those in need.

KC Concepcion
KC Concepcion

Ani ng dalaga sa lat­est post niya sa social media, “Walang Pilipi­nong dapat magutom, lalong lalo na sa mga panahong ito. Consis­tent sana ang food distribution natin sa mga napili nating lugar, hindi lang 1 time, dahil syempre mauubos at mauubos din yan. Tulungan tayo, Pilipinas.”

By the way, KC is celebrating her 35th birthday today so, happy birthday KC!

 

SINAGOT

Sa socmed post ni Frankie Pan­gilinan, sinabi nito na sasagutin niya, inang si Sharon Cuenta at amang si Kiko Pangilinan, ang bail ng 21 inarestong rallyista na inakusahang lumabag sa pina­pairal na enhanced community quarantine.

Taga- Purok San Roque, Bgy. Bagong Pag-asa, QC ang mga nag-protesta. Wala na raw silang makain at walang natatanggap na ayuda, kaya lumabas sila sa kanilang mga bahay.

FRANKIE Pangilinan (FB)
FRANKIE Pangilinan (FB)

P15,000 each ang piyansa ng mga sangkot sa kagulu­han at ayon kay Frankie, sagot niya ang isa sa mga rallyista at ‘yung remain­ing 20 naman ay sagot ng kanyang parents.

 

SUPORTADO

Suportado ng Yes! Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes ang #Sana OL Cam­paign of Jobstreet and Workabroad PH. Nag-o-offer ito ng on-line jobs para mabigyan ng liveli­hood opportunities ang mga kababayan natin.

Para ito sa freelancers at sa mga naghahanap ng alternative work. May home based jobs na “no experience needed.”

Share This Article
Leave a Comment