Tumutulong din

Tempo Desk
2 Min Read
ALDEN Richards (FB)

 

FRST first timer JUN NARDO

 

ISA si Alden Richards sa mga celebrities na consistent sa pagtulong sa mga nangan­gailangan dahil sa krisis na dala ng COVID-19.

Binibigyan ng ayuda ni Alden Richards ang mga frontliners na matapang lu­malaban sa mapamuksang virus sa pamamagitan ng pag-distribute ng pagkain sa kanila.

Si Alden ang tumatayong charity ambassador ng global food chain na kanyang ine-endorso at negosyo.

“We are helping around providing food for the needy sa buong Pilipinas po.

“Salamat po sa lahat ng tu­mutulong and we made sure na napupunta sa tamang tao ‘yug gamit at pagkain ‘yung binibigay na donation,” pa­hayag ni Alden sa interview sa kanya sa DZBB radio.

ALDEN Richards (FB)
ALDEN Richards (FB)

So far, nakapamigay na sila ng mahigit 100,000 meals.

Mensahe niya sa frontlin­ers: “Mag-iingat po kayo. Pinagdarasal namin kayo. We are here for you.”

Para sa mga kababayan, ani Alden, “Kapit-kapit po tayo. Habaan po natin ang pasensiya.”

Alam ni Alden ang hirap na dinaranas ng mga naka-quarantine.

Siya man daw min­san ay nababagot pero naghahanap na lang daw siya ng mga ga­gawin sa loob ng ba­hay.

Sa ngayon daw ay madalas siya maglinis sa loob ng kanilang tahanan.

“Araw-araw po! Ma­gigiba na nga po ang bahay namin sa kalilinis,” biro ni Alden sabay tawa.

Bahagi rin siya sa araw-araw sa padasal sa Facebook page ng “Eat Bulaga.”

“Malalagpasan din natin ito Kaya natin ito,” giit pa ng tinaguriang Asia’s Multimedia Artist.

Share This Article
1 Comment