Gusto nang magka-baby

Tempo Desk
2 Min Read
ANGELICA Panganiban (FB)

 

timing tmg tg

 

 

NEVER again makikipag-work si Angelica Panganiban sa ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.

“Hindi na. I wish him well. Pero hindi na,” ang sagot niya sa tanong ng isang netizen patungkol dito.

ANGELICA Panganiban (FB)
ANGELICA Panganiban (FB)

Nagpa-“Q & A” kasi itong si Angelica sa Twitter kamakailan at isa ‘yun sa mga naitanong sa kanya.

Understandable na­man kung bakit ayaw na ni Angelica maka­trabahong muli si Carlo. Sobrang na-hurt siya sa pa-fall at paasang ginawa nito na ‘yun pala ay may non-showbiz girlfriend na, si Trina Candaza.

Naitanong din kay Angelica kung handa na ba siyang magmahal muli. Aniya, matagal na siyang ready at gusto na rin niyang magka-baby.

O guys, apply na!

 

GUSTO NG ASAWA

KC Concepcion (IG)
KC Concepcion (IG)

Gusto nang mag-asawa ni KC Concepcion. Aniya sa socmed, kapag natapos na ang enhanced community quarantine ay seseryosohin na niya ang pagpapakasal.

Sino kaya ang lucky groom?

Tiyak, unang matu­tuwa kapag nag-asawa si KC ay ang kanyang mama, si Sharon Cun­eta. Matagal na nitong gustong magkaapo.

Solo lang si KC sa kanyang condo na an­iya, malungkot kapag nag-iisa.

Para hindi siya mabagot, she keeps herself busy. Naglu­luto siya, naglilinis ng bahay, nagdidilig ng halaman, nagyo-yoga, nilalaro ang da­lawang pusa niyang sina Churro at Chica.

Nagpadala rin si KC ng food pack para sa mga healthworkers sa Veterans Memorial Medical Center.

Share This Article
1 Comment