Magaling gumiling

Tempo Desk
1 Min Read
ASHLEY Ortega (IG)

 

BY RUEL MENDOZA

 

*

 

ASHLEY Ortega (IG)
ASHLEY Ortega (IG)

BIGLANG napirmi sa bahay ang frequent traveller na si Ashley Ortega. Kasama siya sa milyon-milyong Pilipino na natengga sa bahay dahil sa enhanced commu­nity quarantine.

Para huwag mabato, nagbabalik-alindog sa pamamagitan ng pagsu-zumba ang dalaga.

Kailangan daw kasing physically fit si Ashley para lumakas lalo ang resistensya laban COVID-19.

Pero nahawa na siya sa paggawa ng TikTok videos.

Ang latest na post niya ay ang pagsayaw niya sa “Hips Don’t Lie” ni Shakira.

Pinangunahan na niya ang bash­ers. Aniya, “Let’s not be judgmen­tal.”

In fairness, marami ang naaliw sa lambot ng katawan ni Ashley.

Sa mga hindi nakakaalam, isang champion ice figure skater si Ash­ley kaya super flexible ang katawan nito.

Share This Article
Leave a Comment