Angel Loc­sin, dismayado

Tempo Desk
2 Min Read
ANGEL Locsin (IG)

 

timing tmg tg

 

 

 

SISING-SISI si Angel Loc­sin sa pag-endorso niya kay Senator Koko Pimen­tel na ex-husband ng pinsan niya, noong 2007 senatori­al elections.

Nabatikos ang sena­dor dahil sa hindi niya pagsunod sa quaran­tine protocol sa banta ng COVID-19.

Sumugod ito sa isang ospital para ihatid doon ang buntis na misis ka­hit posibleng positibo siya sa virus.

ANGEL Locsin (FB)
ANGEL Locsin (FB)

Dismaya­do si Angel sa ginawa ni Sen. Koko.

Nag-apologize ang aktres sa madlang pipol via socmed.

Tuwang tuwa ang fans ng aktres dahil sa kanyang public apology.

 

MAY SENTIMYENTO

Residente ng Pasig City si An­gelica Pangani­ban at pinasal­amatan niya si Mayor Vico Sotto sa mga ginagawa nito para sa mga taga-Pasig.

ANGELICA Panganiban (IG)
ANGELICA Panganiban (IG)

Ayon kay An­gelica, parang nasa ibang bansa sila at sana raw ay maging inspira­syon si Mayor Vico ng ibang tao, may posisyon o wala.

May sentimiyento lang si Angelica sa pinapairal na en­hanced community quarantine kontra COVID-19. Bakit daw pinapayagan ang mga dog own­ers na ilabas ang mga alaga nila sa kanilang village? Pero ang mga gustong mag-jogging ay pinagbabawalan.

Katuwiran ni Angelica, for health reasons ang pag-dya-jogging para mapalakas ang immune system.

Pinayuhan siya ng ilang neti­zens na puwede namang mag-work-out na lang muna siya sa loob ng bahay niya.

Oo nga naman!

 

WORRIED

ALESSANDRA de Rossi (FB)
ALESSANDRA de Rossi (FB)

Super worried si Alessan­dra de Rossi sa parents at siblings niya na nasa Italy. Pinakamarami doon ang kaso ng COVID-19 at marami na ang namatay.

May nabasa kaming socmed post na hindi na kayang tulun­gan ng mga doktor sa Italy ang COVID-19 patients na over 60 years old. Pinapabayaan na lang daw mamatay.

Grabe! Sana hindi naman ito totoo. Take care everyone!

Share This Article
Leave a Comment