Kinumpara

Tempo Desk
2 Min Read
BELA Padilla and Angel Locsin (FB)

timing tmg tg

 

 

HINDI maiwasang pagkumparahin sina Angel Locsin at Bela Padilla, fiancee’ at ex-girlfriend ni Neil Arce, respectively. Parehong aktibo sa pagtulong sa taumbayan ang dalawa kaugnay sa pananalasa ng COVID-19 sa bansa.

Matagumpay ang online fundraising campaign ni Bela na ang beneficiary ay ang mga marginalized workers katulad ng mga street vendors.

BELA Padilla and Angel Locsin (FB)
BELA Padilla and Angel Locsin (FB)

As always, to the rescue naman si Angel sa mga lessfortunate. Namahagi ito ng relief goods at nananawagan na magtulungan lahat at makiisa sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno laban sa COVID-19.

Suggestion ng netizens, magsanib-puwersa na lang daw sina Angel at Bela sa pagtulong.

Puwede kaya ‘yun? Ano kaya’ng sey ni Neil dito?

 

BAGAY

SANYA Lopez (FB)
SANYA Lopez (FB)

Kung si Angel at si Bela ay abala sa pagtulong sa mga kapuspalad, si Sanya Lopez naman ay abala sa pag-update sa mga fans hinggil sa mga ginagawa niya habang pinapairal ang enhanced community quarantine.

Gumagawa si Sanya ng TikTok videos para kahit papaano’y ma-entertain niya ang kanyang mga followers.

Marami ang nag-like sa short hair ngayon ni Sanya. Bagay daw sa kanya. Nagmukhang bagets nga daw siya lalo.

 

Share This Article
164 Comments