Super ingat

Tempo Desk
2 Min Read
ZOREN Legaspi (IG)

timing tmg tg

 

 

GRABE sa pag-i-ingat si Zo­ren Legaspi dahil sa COVID-19 outbreak. Kapag lumalabas siya ng bahay ay naka-full protective gear siya.

Pinagtitinginan siya ng mga tao noong nagpunta siya sa grocery. Naka-face mask, gloves at clear shades, pero nakilala pa rin siya.

ZOREN Legaspi (IG)
ZOREN Legaspi (IG)

Pag-uwi niya ng bahay, hindi niya ipinasok sa loob ang kan­yang sapatos. Ibinilad niya sa araw ang damit na isinuot bago niya inilagay sa laundry basket.

Hindi lang for self-protec­tion, also for his wife Carmina Villarroel and their twins Mavy and Cassy. “Better safe than sorry,” ani Zoren.

Korek ka dyan!

 

FAMILY BONDING

GLAIZA de Castro (IG)
GLAIZA de Castro (IG)

Stop muna ang taping nina Glaiza de Castro at Mike Tan para sa upcoming show nila sa GMA7 dahil sa enhanced community quarantine.

Nagbabakasyon ngayon si Glaiza sa resthouse niya sa Baler, Quezon kasama ang pamilya.

Sila-sila rin ang gumagawa ng household chores doon. Ang mommy niya ang tag­aluto, tagalinis naman ng house si Glaiza at tagahu­gas ng pinggan.

Mega-disinfect naman ng bahay nila si Mike bilang proteksiyon sa dalawang anak niya.

Hindi pa rin niya ipinapak­ita ang face ng kanyang wife at ‘yung dalawang daughters lang nila ang ipinapakita niya sa socmed.

Ani Mike, non-showbiz ang wife niya at kagustuhan nito na huwag ipakita ang face.

Pa-mystery effect ang peg?

Share This Article