Gian Sotto, dumepensa

Tempo Desk
2 Min Read
GIAN Sotto (IG)

Mouthful box

 

 

OBVIOUS na nasaktan si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto – anak nina Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa – sa mga batikos na ipinupukol kay Mayor Joy Belmonte sa so­cial media.

Ito nga at nagsalita na ito via Facebook para depensa­han ang mayora.

Aniya, “Maraming mga kaibigan, hindi ko alam kung mga kaibigan nga, na nagsisipag-comment na nagsasabi ng mga kung ano-anong mga bagay against our Mayor Joy Bel­monte. But the truth is, they have no idea kung gaano po kahirap ang tra­bahong ginagawa ni Mayor Joy.”

GIAN Sotto (IG)
GIAN Sotto (IG)

Dagdag pa ni Gian, “So­brang hirap na nga ng sitwasyon, hinahanap pa natin kung ano ang mali sa lahat ng bagay! Para sa akin, hindi naman kailan­gang hanapin ang mali.”

Ani Gian, taliwas sa si­nasabi ng iba, abalang-abala si Mayor Joy sa mga gawaing bayan at hindi nagtatago sa banta ng COVID-19.

“Nakikita ko ang mga ginagawa ni Mayor Joy araw-araw. Kasama ko siya. Nakikita ko ang pa­god, ‘yung dedication, at pagmamahal niya sa gitna ng feeling niya, eh mag­kakasakit siya, tuluy-tuloy lang siya sa trabaho.”

Hawak ang isang listah­an, binanggit ni Gian isa-isa ang lahat ng mga ginagawa ng QC government.

Aniya, “Ang lahat ng ito, Mayor is on top of it. Siya ‘yung nag-lead at nakipag-meeting sa lahat ng mga government agencies para ipatupad ang mga progra­mang ito.”

Share This Article