Bayanihan

Tempo Desk
1 Min Read
SEN. MANNY PACQUIAO

BY JOE BARRAMEDA

***

MANNY Pacquiao (IG)
MANNY Pacquiao (IG)

NAKAKALUNGKOT ang nang­yayari sa atin ngayon dahil sa coronavirus. Parang tumigil na nga ang mundo dahil dito. Lahat nakakulong sa kani-kanilang tahanan. Isang buwan magtatagal ito at hindi pa alam kung ano ang kahihinatnan nito.

Samantala, lahat ng mga pro­grama sa telebisyon ay natigil pansamantala. Nakansela na rin ang ilang mga mahahalagang events kasama na ang mga kon­syerto at film festivals.

Ang nakakatuwa ay ang ilang mga celebrities na taos-pusong tumutulong na malabanan ang disease na ito katulad ni Manny Pacquiao na nagbigay ng tulong sa pamamagitan ng Manny Pac­quiao Foundation. Nag-pledge ito ng 50,000 test kits sa DOH kasama ang JackMa Foundation.

Ang GMA 7, hindi muna pina­pasok ang marami sa kanilang mga empleyado pero tuloy daw ang sweldo ng mga ito pati na rin ang benefits. Bukod dito, tu­mutulong din ang network sa mga frontliners na lumalaban sa virus through donations sa GMA Kapuso Foundation.

Obviously, buhay ang baya­nihan spirit sa mga Pinoy!

Share This Article
Leave a Comment