Ayaw paawat!

Tempo Desk
2 Min Read
VICE Ganda (IG)

BY DANTE LAGANA

***

VICE Ganda (IG)
VICE Ganda (IG)

NAGMISTULANG punong tagapa­yo ang comedian na si Vice Ganda sa sunod-sunod niyang tweet kaugnay sa covid-19 pandemic.

Unang sabi niya, “Wag tayong mag away away. Lalong lalo na sa panahong ito. Di makakatulong. Wag tayong magsalita na parang tayo lang ang tama, ang matalino at magaling. Wag tayong umasta na parang tayo lang ang may pag­mamahal at malasakit sa kapwa, sa bayan at sa mundo .”

Pangalawa, “Sa oras na to nanin­iwala ako na lahat tayo ay pareho lang ang intensyon. Yun ay ang makaraos at makatulong sa sit­wasyon kahit papaano. SADYANG MAGKAKAIBA LANG TAYO NG MGA PARAAN AT ATAKE. Lahat tayo ay nagdadasal na matapos na ang krisis na ito.”

Aniya pa, “Hindi lang sa mga ‘walang makakain’ tayo dapat may compassion. Dapat sa lahat. OO SA LAHAT. Pati sa mga pinaparatan­gan nating walang compassion. Pahabain natin ang pang unawa sa isat isa. The more na naga­galit tyo mas humihina ang ating immune system. CALMNESS IS STRENGTH.”

Ang huli, “CEASEFIRE muna tayo sa patalinuhan at pabobohan. Kahit mawala ang virus kung mag­papatayan naman tayo e wala ring makakasurvive. Hingang mala­lim. Gawing donasyon ang PANG UNAWA. GOD BLESS EVERYBODY. This too shall pass.”

Ayos!

Share This Article
Leave a Comment