Aiko Melendez, patola!

Tempo Desk
1 Min Read
AIKO Melendez (FB)

BY DANTE LAGANA

***

AIKO Melendez (FB)
AIKO Melendez (FB)

MAY ilang netizens na na­banas sa pagmamayabang ni Aiko Melendez na COVID-19 free ang Zambales, balwarte ng jowa niyang si Jay Khong­hun, vice governor doon.

Ani nga ng isa, “Wala naman po kasi talagang mapasyalan sa Zambales bukod sa mga beach kaya sanay sila sa home quarantine.”

Sinagot ni Aiko ito ng, “Mad­ami din naman mapupun­tahan bukod sa beaches po. Madami historical places to go to, but that’s not the point here. Discipline is the topic po.”

Hindi rin pinalag­pas ni Aiko ang hir­it ng isa pang neti­zen na, “You are lifting your own chair Ms. Aiko, let the people do the talk­ing, sa Pasig at Manila mayors, ang mga tao ang pumupuri hindi partner o GF o asawa o kamag-anak! Magtiktok ka na nga lang!”

Galit na sagot ng ak­tres, “Wag nyo ako tinu­turuan ano ipopost ko because this is my effin page! I own this page I can say whatever I want to say.”

Dagdag pa niya, “Ikaw me nagawa ka ba na para sa bayan? Bukod sa pangingialam sa post ko?”

Aray!

Share This Article
1 Comment