Puring-puri!

Tempo Desk
2 Min Read
VICO Sotto (FB)

timing tmg tg

 

 

SUPER proud malamang sina Vic Sotto at Coney Reyes sa anak nilang si Vico, mayor ng Pasig City. Nag-trending ang batang politico sa Twitter dahil sa mga ginagawa nito para sa kanyang mga con­stituents kaugnay sa isinasa­gawang enhanced community quarantine.

Puring-puri ng mga neti­zens ang mayor. Kahit mga residente ng ibang siyudad bilib na bilb sa kanya. May mga gusto pa ngang magpaampon sa Pasig.

VICO SOTTO
VICO SOTTO

May ilang kababaihan naman na nag-tweet na suwerte raw ang magiging girlfriend ni Vico. Ang iba nama’y rektang nag-apply para sa posisyon.

Na-bash na­man ng netizens si Noli de Castro sa komento niya kaugnay ng pag-apela ni Vico na payagan ang mga tricycle na makabiyahe sa Pasig.

Ani Noli, baka hindi daw alam ni Vico na puwede si­yang humingi ng sasakyan sa gobyerno para sa kanyang mga sina­sakupan.

Kinuwestiyon ng netizens ang hirit na ito ng ABS-CBN news an­chor. May nagtanong pa nga kung ano raw ba ang nagawa ni Noli noong siya ang vice-president ng Pilipinas.

 

RONNIE Liang (FB)
RONNIE Liang (FB)

KAYA RIN BA?

Sa mga celebs na reservists, si Ronnie Liang pa lang yata ang alam naming aktibong tumutulong sa bayan sa gitna ng quarantine.

Tumulong ang singer sa paghatid ng mga health workers sa may ban­dang Caloocan kasama ang ibang military personnel kamakailan.

Mga reservist din sina Matteo Guidicelli, Dingdong Dantes, Ejay Falcon, Gerald Anderson, Rocco Nacino, among others. Sundan kaya nila ang ginagawa ni Ronnie?

Share This Article
Leave a Comment