Siya na kaya?

Tempo Desk
2 Min Read
andrea torres IGg

timing tmg tg

 

 

LOVE much talaga ni An­drea Torres si Derek Ram­say. Sana lang, gano’n din si Derek.

ANDREA Torres (IG)
ANDREA Torres (IG)

Dati’y walang hilig sa sports si Andrea. Since nag­ing boyfriend niya si Derek, naging sporty na rin siya. Like na niyang mag-golf. Isinasama na nga siya ni Derek kapag nag-go-golf ito. Tinuturuan din siya ni Derek sa Frisbee. All-out support si Andrea sa sports activities ng kanyang boyfriend. Wish ng kanilang fans na maging together forever na sila.

By the way, tapos na ang ipinagawang bagong bahay ni Derek. Si Andrea na kaya ang maging reyna ng kan­yang tahanan?

 

NEIL Arce (FB)
NEIL Arce (FB)

UMIWAS

Walang bonggang ganap noong nakaraang birthday ni Neil Arce, fiance’ ni Angel Locsin.

Binati lang ni Angel sa soc­med si Neil na aniya, “best friend” niya for years, partner in crime and love of her life.

Iniwasan siguro nina Angel at Neil na ma-bash kaya wa­lang bonggang birthday cel­ebration. Tama rin lang dahil sa matinding pinagdaraanan ng ating bansa kaugnay ng covid-19 outbreak at may com­munity quarantine pa sa Metro Manila. Birthday wish ni Angel for her fiance’ ay huwag itong magkakasakit.

Last year ay may surprise birthday party si Angel kay Neil. Binigyan niya rin ito ng golf cart as gift.

Inaabangan ang kanilang kasal this year.

 

MAX Collins
MAX Collins

BUNTIS

Tapos na ang first trimester ng pregnancy ni Max Collins, kaya hindi na siya gaanong nahihirapan. Wala na siyang morning sickness, maayos na ang pagkain niya.

First baby nila ni Pancho Magno ang ipinagbubuntis ni Max.

Preggy din si Luane Dy sa first baby nila ni Carlo Gon­zales. Kasal sila sa isang civil rite at sa December this year ang church wedding kung hindi mababago ang kanilang plano.

Share This Article