Kasal ni Arjo-Maine aprub

Tempo Desk
2 Min Read
MAINE Mendoza and Arjo Atayde

timing box

 

 

SAKALING maisipan na nina Arjo Atayde at Maine Mendoza magpakasal, aprub ‘yun kay Sylvia Sanchez. Aniya sa inter­byu ng “Showbuzz” sa DZMM radio, hindi siya nakikialam sa relasyon ng dalawa. Suportado niya kung anu­man ang desisyon nina Arjo at Maine.

MAINE Mendoza and Arjo Atayde
MAINE Mendoza and Arjo Atayde

Bilang isang ina, ang kaligaya­han ng anak ang hangad niya, ani Sylvia. Hindi siya tututol kung gusto nang mag-asawa ni Arjo. Tanggap ni Sylvia si Maine bilang girl­friend ni Arjo at future daughter-in-law.

Sa isang interbyu kay Arjo ay sinabi niyang napag-uusapan na nila ni Maine ang pagpapakasal. She just turned 25 years old last Mar. 3. Simpleng birthday greet­ings lang ang post ni Arjo for Maine: “Happy Birthday Babs!”

Babs pala ang term of endear­ment niya kay Maine.

 

ALDEN Richards
ALDEN Richards

TEST DRIVE

Hindi niya sinabing kanya ang red Ferrari sports car. Ayon kay Alden Richards pina-test drive lang daw sa kanya ng owner nito. Naipost ng aktor sa socmed ang naturang sports car na inakala ng netizens na kanya.

Ayon sa ibang nakakaalam, kay Alden ang sports car. Pa-humble lang daw ang aktor. Hindi kaya, matapos niyang i-test drive ay nagustuhan niya ang sports car, kaya binili na niya?

Bukod sa sports car, may expensive motorcycle pa si Alden.

Bongga!

Share This Article
5 Comments