Hello Ms Rica,
Curious question lang. Bakit nga ba may erection ako in the morning? Ishare my room with my sisters kasi. Minsan medyo awkward lang kapag morning tapos nakikita nilang matigas yung penis ko.
Thank you,
Metal Mug
Hello Metal Mug,
Congratulations sa iyong morning erections! So totoo lang, ang morning erections ay hindi lang tuwing umaga o pagkagising nangyayari. These erections kasi ay nangyayari ng mga 3 to 5 times per night kapag nasa REM sleep ka na at naglalast ng mga 30 minutes each. In fact with older men, nangyayari pa nga ito kahit nasa non-REM part sila ng sleep cycle. Common ito at very normal.
May iba’t ibang factors na nagdulot ng pagtigas ng penis ng lalaki habang tulog. Isa rito ang pagshift from sympathetic nervous system to the parasympathetic state. Ang parasympathetic state ‘yung resting state ng ating katawan, ibig sabihin, at this state, nagpapahinga ang ating buong katawan. Ito ang state na active kapag tulog tayo. Isa pang factor ay kapag ang bladder ng isang lalaki ay puno at ito ay may nastimulate na nerve. Kapag nangyari ito, nagli-lead ito to an erection. Isa pang dahilan ay kapag nasa REM sleep ka, ito rin ang panahon kung kailan ikaw ay nananaginip. Kapag ang panaginip mo ay erotic at sexy in nature, mas malaki ang chance na magkaroon ka ng erection habang tulog.
Hindi mo dapat ika-worry ang pagkakaroon ng morning erections dahil good sign ito na everything is in working order down there. In fact, pwede ngang ang hindi pagkakaroon nito ay sign of diabetes or depression. Siguro one way to reduce the awkwardness kapag kasama mo ang mga kapatid mo sa kwarto ay ang pagyakap sa unan o pagsuot ng maluwag na boxers o pantulog. Kung nagising ka na may erection, pwede mo rin muna ito hintayin mawala bago ka bumangon. 🙂 Hope that helps!
With love and lust,
Rica
* * *
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, and Sex Educator. She opines that sexual empowerment for Filipinos is sexier than sex.
You can catch more of her every Thursday at Boys’ Night Out, Magic 89.9 and follow her at facebook.com/TheSexyMind and @_ricacruz in Twitter and IG and subscribe to her YouTube channel, Count To Ten.