Ai-Ai delas Alas, iritado!

Tempo Desk
2 Min Read
AI-AI delas Alas (IG)

BY DANTE LAGANA

—-

Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan (Instagram)
AI-AI delas Alas and Gerald Sibayan (IG)

HINDI pinalagpas ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ang isang epal na netizen na pumuna sa kaniya matapos i-post sa Instagram ang handwritten note ng kanyang husband na si Gerald Sibayan.

Nakasulat sa note: “Ito na po ang Breakfast mo darling. I LOVE YOU so much. GOOD HUSBAND. Darl.”

Nilagyan ito ng caption ni Ai-Ai na, “Good morning – thank you LORD sa blessing na ito…”

Wala na sanang problema except may isang netizen na tila banas sa ginawa ni Ai-Ai.

Sey nito, “Why need to post this? You could try to leave something private in your lives to yourselves.”

Pinatulan naman ni Ai-Ai ito.

Aniya, “Ang inggit nakamamatay yan. Magbago ka na!

“IG ko to at kahit anong i-post ko wala KANG PAKIALAM.

“Maglagay ka muna ng picture at magtrabaho ka para makatulong ka sa bayan hindi yung bash k ng bash!!!!!!

“Kaya hindi ka umuunlad kasi yan ang gawain mo.”

Ang matindi, sumagot pa ang netizen ng tila sarcastic na “ok.”

Banat ni Ai-Ai na animo’y umuusok ang ilong sa galit: “Hindi ok! Magtrabaho ka! Para makatulong ka sa pamilya mo!”

Siyempre pa, to the rescue naman si Gerald sa honey bunch niya.

Aniya sa netizen, “Wag maiinggit okay.”

Sapul!

Share This Article
1 Comment