Michael V., ayaw ng regalo sa Pasko

Tempo Desk
2 Min Read
MICHAEL V. (IG)

By RUEL J. MENDOZA

**

MICHAEL V.
MICHAEL V.

BIRTHDAY month ni Michael V. ang December at sinabay na niya sa espesyal na buwan na ito ang pagpapa-renovate ng kanilang tahanan.

Pinost ni Bitoy ang litrato ng kasalukuyang under construction na bahay niya via Instagram.

Kwento niya sa caption: “It’s my birthday month!

“Nagpapa-renovate kami ng bahay at habang naglilipat kami, napansin namin kung ga’no kara­mi sa gamit namin ang hindi na namin ginagamit. Meron nga ring mga bago pa na hindi pa nagag­amit ever.

“Parang na-guilty ako. Na-real­ize ko na I have everything I need and everything I want AND MORE! So we decided to do something about it.

“Una, ibibigay na lang namin sa charitable institutions ‘yung iba. Tapos ‘yung iba, sa friends and relatives. Nagsimula na kaming magkahon para magamit ng mas makikinabang.”

Kilala si Bitoy na may ginintuang puso kaya naman um­aani ito ng sunud-sunod na blessings. Tiyak na marami ang matu­tuwa sa gagawing pag-donate ni Bitoy at ng kanyang pamilya ng ilang mga sobrang kag­amitan nila sa bahay.

At may simpleng request si Bitoy: “Sa mga kaibigan, kamag-anak at­saka mga kakilala ko… baka pwe­deng NO GIFTS THIS DECEMBER. I mean, no physical items.

“Hindi sa ayaw kong makatang­gap ng kahit ano this Christmas and birthday ko, pero kung magre-regalo kayo baka pwedeng any of the following na lang: A prayer for good health. A simple, sincere greeting. A Like, Follow or Sub­scribe sa social media accounts ko.

“Biruin mo, hindi ka na mahihirapan mag-isip ng ibibigay, siguradong maa-ap­preciate ko pa! It’s a win-win situation!”

Share This Article