SEA Games

Tempo Desk
3 Min Read

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, la­hat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Ang lakas ng bagyo na dumaan ng nakaraang araw. Ang nakakapagtaka lang, signal number 1 pero ang lakas ng hangin at ulan sa lugar namin. Tapos nagde­clare ng signal number 2, umaraw naman. May ulan pero umaaraw. Ano ba nangyayari sa PAGASA?

                                               Efren ng Batangas

Hi Efren,

Huwag ka ng magreklamo. Hayaan mo, sa susunod, kapag nagdeclare ang PAGASA ng sig­nal number 2, sasabihan ko sila na siguraduhin na bagyuhin ang lugar niyo. Kahit sa bahay niyo lang para naman hindi ka nagrer­eklamo. Bigay mo address mo sa akin para masabihan namin ang bagyo na siguraduhin na daanan ang bahay mo para naman hindi ka umaasa! Saka kapag um­uulan sabay umaaraw, hindi na kasalanan ng PAGASA yun! Ang sisihin mo yung tikbalang na kinakasal! May kinakasal daw na tikbalang kapag sabay ang ulan at araw!

*

Hi Alex,

Maraming mga issues ang kasalukuyang SEA games. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan. Ang dam­ing fake news! Ano ba talaga ang totoo?

                                                Xavier ng Manila

Hi Xavier,

Hindi ko na rin alam! Wag mo na lang pansinin! Mag-enjoy ka na lang sa mga laban sa SEA GAMES. Yun ang walang intriga. Ang SEA GAMES ay laban ng mga atleta hindi ng politika!

*

Hi Alex,

Ang daming mga super­heroes na palabas sa ibang bansa. Pero dito sa atin, wala pa ulit ako napapan­uod. Ang tagal ipalabas ng Darna. Bakit ba nadelay ang showing ng Darna?

                                                Portia ng Alabang

Hi Portia,

Nadelay ang Darna kasi natat­akot sa PDEA. May bato kasi na ginagamit si Darna bago maging Darna. Nawawala ang taga-bigay ni Darna ng bato, si Ding. Hindi malaman kung natokhang o nakakulong! Baka baguhin na nila ang nilulunok na bato, baka gawin nilang vitamins!

*

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alex­[email protected]

facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

 

Share This Article