Bea Alonzo, ipasusunog ang bahay

Tempo Desk
3 Min Read
BEA Alonzo (IG)

timing box

 

 

KAHIT walang binang­git na pangalan, ma­huhulaang si Gerald Anderson ang tinutu­koy ni Bea Alonzo na ex-boyfriend na never na niyang babalikan.

Nasabi niya ito sa recent appear­ance sa “Gandang Gabi Vice.”

BEA Alonzo (IG)

Nagsimula ito nang magpa­haging ang host ng show na si Vice Ganda kay Bea kung wala na raw bang nag-go-ghosting sa kanya.

Ani Bea, wala na.

Nang tanungin ni Vice kung posibleng maki-pagbalikan siya sa huling ex-boyfriend niya sagot ni Bea, “Hindi na!”

“Ipasusunog ko ang bahay ko kapag nakipagbalikan ako,” words to that effect na sabi ni Bea.

Sa isang presscon naman, sinabi niyang naka-move-on na siya sa break-up nila ni Gerald.

Well, sana nga! She deserves someone na ma­mahalin siya ng wagas at hindi siya igo-ghosting.

Ayon pa kay Bea, hindi siya nadadalang magmahal muli. Masarap daw mabuhay ng may minamahal at nagmamahal sa kanya. Naghihintay lang siya ng right person na muli niyang pagbibigyan ng kanyang puso.

 

CARLO Aquino (IG)
CARLO Aquino (IG)

LANTARAN NA

Ipinakilala na ni Carlo Aquino sa il­ang entertainment writers ang model girlfriend niyang si Trina Canda­za na kasama niya sa isang birthday party na dinaluhan nila kama­kailan.

May hawig daw si Trina kay Angelica Pangani­ban na ex-girlfriend ni Carlo. Tipong ar­tistahin daw ang model-GF ni Carlo.

Kung dati’y itinatago pa ni Carlo ang relasyon niya kay Trina, lan­taran na ngayon. Super proud at in love siya sa kanyang GF. Bagay daw ang dalawa, ayon pa sa entertain­ment press.

 

DENNIS Trillo and Jennylyn Mercado (IG)
DENNIS Trillo and Jennylyn Mercado (IG)

EXCITED

Ngayon pa lang ay excited na ang fans nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa first-ever live post-Valentine concert nila na gaganapin Feb. 15, next year sa New Frontier Theater, Cubao, QC.

Billed “Co Love Live,” ani Jen at Dennis, wagas ang paghahanda nila para sa upcoming concert nila.

Ang mga kanta sa kanilang reper­toire ay konektado sa kanilang love story, gayun din sa pagmamahal sa magulang, kapatid and friends.

Ibabahagi nila ang journey ng kanilang pag-iibigan. Paano sila nagsimula, mga karanasan nila at challenges na kinaharap nila. May surprise sila sa mga manonood ng kanilang concert.

Tanong naman ng Jen-Den fans, kailan daw kaya magaganap ang marriage proposal ni Dennis kay Jennylyn?

Abang-abang na

Share This Article