Bagong Darna nagpasilip

Tempo Desk
1 Min Read
JANE de Leon

BY DANTE A. LAGANA

JANE de Leon
JANE de Leon

 

SERYOSO talaga ang bagong Darna na si Jane de Leon na ma-gampanan nang maayos ang iconic role.

Puspusan na nga ang training na ginagawa ng seksing dilag para sa big break na iniatang sa kanya ng kanyang mother network na ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram, ipinasilip ni Jane ang isang video kung saan ginagawa niya ang tinatawag na hyperextension training, isa itong ehersisyong pampalakas.

Una pa lang daw ito.

Aniya, “Starting today mag-uu­pload na ako ng mga trainings ko.”

So, asahan na ninyo mga Darna fanatics na may iba pang video na i-uupload si Jane na ikaka-wow ng karamihan.

Matagal din naghintay si Jane bago mabigyan ng ganitong kala-king break.

Inamin niya na marami din siyang pinagdaanang rejections noon pero hindi naman daw naging balakid ang mga ito sa kanya iyon upang ipagpatuloy pa ang kanyang show­biz career.

Naging mas motivated pa nga daw siya na i-fulfill ang pangarap.

At heto na nga, handa nang lumipad ang isang Jane de Leon.

Share This Article