Angeline Quinto, patola!

Tempo Desk
1 Min Read
ANGELINE Quinto (FB)

 

ANGELINE Quinto (FB)
ANGELINE Quinto (FB)

KUNG ang ibang celebrities hindi pinapatulan ang anumang masasakit na salita na pinupukol sa kanila sa social media ng mga netizens, aba’y ibahin ang singer-actress na si Angeline Quinto dahil hindi niya uurungan ang mga ito.

Ito nga at binuwel­tahan nito ang isang fan na obvious na hindi natuwa sa huling paglabas niya sa “ASAP” kung saan halos lumuwa na daw ang kanyang hinaharap.

Dagdag pa ng fan, “Hoy Ang­gge…Kakahiya ka! Ayos ayosin mo naman. Ganyan ba ang dala­gang Filipina?”

Sagot naman ni Angeline: “Maka Hoy naman po kayo sa akin, ni magulang ko hindi po ako tinatawag ng ganyan. Sana po kahit papaano maging mabut­ing ehemplo din kayo sa ibang kabataan. Kung problema niyo po ang boobs ko, wag niyo na pong pag aksayahan ng pana­hon dahil nasisiguro ko mas maraming bagay ang dapat pinagkakaabalahan ninyo sa personal niyong buhay kesa sa boobs ko. Tama po? Salamat po.”

Oo nga naman.

Minsan na ding inamin ni Angeline na nagpa-breast re­duction surgery siya dahil nga sa naguu­mapaw na double blessings niyang ito. (DANTE A. LAGANA)

Share This Article