Janella Salvador happy ang lovelife

Tempo Desk
2 Min Read
JANELLA Salvador (FB)

 

JANELLA Salvador (FB)
JANELLA Salvador (FB)

AMINADO si Janella Salvador na masaya ngayon ang love life niya.

“Masaya, of course. I’m happy. Okay naman. Actually wala akong problema ngayon pagdating doon (love life),” ani Janella nang aming makausap.

Sa hindi nakakaalam nili-link ngayon ang dalaga kay Markus Paterson.

Bagama’t wala pa namang tahasang pag-amin ang dalawa hinggil sa totoong estado ng kanil­ang relasyon, hindi maitatago na very close at very sweet nga sila.

Pero ayaw pa din pabuking ni Janella nang aming kulitin.

“I just don’t want to share a lot. Basta alam niyo na ‘yun ‘pag na­kita niyo kami sa labas,” aniya.

Wow, huh?

At least, inamin naman ni Janella na napakilala na niya sa kanyang mga magulang ang binata.

“Na-meet na niya ang mom (Janine Desiderio) and dad (Juan Miguel Salvador) ko.”

Huling nakarelasyon ni Janella si Elmo Magalona.

Hindi naging maganda ang hiwalayan nila kung saan naapek­tuhan pa nga ang pausbong pa lang nilang love team partnership.

Sey ni Janella, “Marami na rin akong napagdaanan from that moment and marami na ako natutunan. Talagang fully recovered na kaming lahat.”

Bida sa pelikulang “The Heiress” si Janella kasama si Maricel Soriano.

Aniya, “Matatakutin ako pero hindi ko matanggihan ang proyek­tong ito dahil gusto ko talagang makatrabaho ang isang Maricel Soriano.”

Palabas na ang “The Heir­ess” sa Nov. 27. (Delia Cuaresma)

Share This Article
1 Comment