Nathalie Hart balik-showbiz

Tempo Desk
2 Min Read
NATHALIE Hart (FB)

 

NATHALIE Hart (FB)
NATHALIE Hart (FB)

NAGBABALIK muli ang aktres na si Nathalie Hart matapos magpakasal at magsilang sa unang anak.

Aminado siyang na-miss niya ang showbiz mata­pos ang halos isang taon na paninirahan sa Egypt kasama ang kanyang asawa at anak.

“I feel like noong nawa­la ako nang isang taon, parang it was the longest time of my life, parang ‘yung oras ang tagal-tagal,” sey ng hot momma.

Pero enjoy naman daw siya sa pag-ala­ga ng kanyang baby though may time na “stressful” ito.

“Na-enjoy ko ang pa­giging nanay. I mean, hin­di naman mawawala ‘yun hanggang ngayon, nanay pa rin ako. Pero ‘yung time na dumating ang anak ko, sobrang stressful. Hindi madali maging nanay, breastfeeding ako and napakahi­rap noon para sa akin. And tumigil lang ako noong 7 months na ang baby ko kasi, feel­ing ko tama na ‘yun,” ani Nathalie.

Gusto niyang bu­hayin muli ang ca­reer dahil aniya, “iba ‘yung fulfillment na may career ka.”

“Para sa akin, hindi lang ‘yung okay ang pamilya mo, gusto ko fulfilled din ako sa ginagawa ko.”

May ilang pelikula na raw na nakapila para sa kaniya so, antay antay lang tayo kung magpapaseksi pa rin siya.

‘Yun na! (DELIA CUARESMA)

Share This Article