Maja Salvador, ayaw pa magpatali

Tempo Desk
1 Min Read
MAJA Salvador (FB)

 

MAJA Salvador and Rambo Nuñez (IG)
MAJA Salvador and
Rambo Nuñez (IG)

MALAKAS ang bulong-bulungan na magpapasakal este, magpapak­asal na daw itong si Maja Salvador sa boyfriend na si Rambo Nuñez.

Pero itinanggi ito ni Maja.

Aniya, “Wala pa. Sabi ko nga sa ibang interviews ko, ito ang first time na sobrang open ako sa relationship ko. Sa Instagram, as in wala, very open ako. So hindi ko po ipagkakait ‘yung moment na ‘yun, ‘yung happiness na ‘yun, kung mangyari man ‘yun kung mapagd­esisyunan man namin ni Rambo na i-take na namin ito to the next level, malalaman niyo po.”

One thing for sure, she feels so loved by Rambo and his family.

“Walang nag­bago. After nine years, mas qua­druple pa ‘yung love na binibigay nila, especially ‘yung mga ka­patid niya, lalo na si Tita Marilen (Nunez, ina ni Rambo). Since very supportive sila. ‘Yung tala­gang ipaparam­dam nila na parte ako ng pamilya nila,” sey niya.

Eh di ikaw na. Charot! (DELIA CUARESMA)

Share This Article
2 Comments