Jim Pare­des nagbalik!

Tempo Desk
1 Min Read
BONG Revilla and Jim Paredes

 

 

NA-MISS ba ninyo si Jim Pare­des?

Well, huwag nang malungkot at nagbabalik na siya.

Yes, nag-ingay muli sa social me­dia ang batikang singer at kom­positor ilang buwan pagkatapos manahimik ng dahil na rin sa viral video niya na nagma-maryang palad.

Ang bagong target niya? Ang GMA-7.

BONG Revilla and Jim Paredes
BONG Revilla and Jim Paredes

Ang siste, mukhang hindi natu­wa si Jim sa balita na kukuhanin ng istasyon ang serbisyo ng very lovable din (tanungin mo pa si Lani Mercado, Chos!) na aktor-senator na si Bong Revilla Jr.

Sabi niya, “PERA PERA PERA lahat. Ok Lang sa inyo na ma-ging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this.”

Dagdag pa niya, “Why would a franchise ALLOW this? That is the bigger question. They have social and corporate responsibili­ties. Their airwaves belong to the Filipino people.”

Siyempre pa, nakapukaw pansin ito sa ilang netizens.

Ang iba, kampi at sang-ayon kay Jim.

Naalala pa nga ng ilan ang pagkakasangkot ni Bong sa PDAF scam.

Pero may ilan na natawa lang dito.

Inasar pa ang Apo Hiking Soci­ety ringleader dahil na rin sa video scandal niya.

Hay naku. (DELIA CUARESMA)

Share This Article